Ang dami kong nakikitang lalaking sobra mag effort, sobra yung sweetness, eklavu eklavu yung mga ganung factor. Parang gusto ko maramdaman lahat yun? Yung kahit sabihin kong wag moko ipapaalam, pero magiging matapang siya para ipaalam ako sa mga magulang ko. Yung konting kibot, may surprise, yung madaming surprises. Ay bastaaa. Haaay.
Inaantok na talaga ko, kaya lang college student eh. :(
Ang hirap ng ganito, yung ang layo niyo sa isa’t isa wala pa kayong communication. Hinuhuli kasi ako ng magulang ko ngayon, ayaw talaga nila ko mag boyfriend matigas lang talaga ulo ko. Kaya yung cellphone ko nakapatong lang sa kung saan saan ngayon, kaya wala kaming communication kasi tinitignan ni mommy kung sino nagttext. Haay. Tuwing gabi lang kami nagkakatext pag tulog na si mommy saglit lang yun. Ewan ko na. Basta ang lungkot ng buhay ko ngayon. :(
Pinapakanta ko siya kanina. Nahihiya pa. Tapos sabi niya mag cocover na lang daw siya. Hahahaha. Alam niyo na bakit ko ‘to naging bestfriend, baliw din eh. :) Namiss ko kasi talaga siya. Ang layo namin sa isa’t isa at mag 8 years na kaming hindi nagkikita. Pati sa mga bestfriends LDR. Ahuhuhu.

